Ngayong 4 PM, Hulyo 31, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,147 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 9,117 na gumaling at 167 na pumanaw. Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.8% (60,887) ang aktibong kaso, 94.4% (1,500,189) na ang gumaling, at 1.76% (27,889) ang namatay. Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong July 29, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 1.8% sa lahat ng samples na naitest at 1.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. Courtesy: Department of Health (Philippines) - FB Page